Shooting, triathlon at PBA fun run sa SCOOP

MANILA, Philippines - Bibigyan ng ulat ni Nathaniel “Tac” Padilla ang mga mamamahayag hinggil sa paghahanda ng pambansang koponan na lalaro sa Asian Youth Games sa gaganaping SCOOP sa Kamayan-Padre Faura ngayong umaga.

Si Padilla ang itinalaga bilang Chief of Mission sa kompetisyong gagawin mula Agosto 16 hanggang 24 sa Nanjing, China.

Makakasama niya ang mga batang shooters na sina Celdon Arellano, Angela Dimaculangan, Enrigue Gazmin at Ampoaraitui Acuna at ang coach na si Susan Aguado para ipaalam ang kanilang mga kondisyon para sa kompetisyon.

Imbitado rin sina Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tom Carrasco at VP Red Dumuk para pag-usapan ang Asian Triathlon Championships na lalarga mula Abril 27 hanggang 29 sa Subic Bay.

Bibisita rin si Rose Montreal, ang pinuno ng PBA marketing arm para talakayin ang fun run ng kauna-unahang propes­yunal na liga sa bansa na gagawin sa Linggo.

Show comments