Azkals umangat uli sa FIFA rankings
MANILA, Philippines - Napantayan ng Azkals ang pinakamataas na ranÂking ng Pilipinas sa football nang okupahan ng kopoÂnan ang 143rd puwesto base sa bagong FIFA ranÂkings na ipinalabas noong Abril 11.
Ang mga panalong naÂitala sa Cambodia, 8-0, at Turkmenistan, 1-0, sa idinaos na 2014 AFC Challenge Cup Group E Qualifiers sa Rizal Memorial Football Pitch noong Marso ang nagresulta para umaÂngat ng dalawang puwesto ang Pilipinas tungo sa 143 puwesto.
Noong nakaraang buÂÂwan ay nasa 145 ang Pilipinas at ang 143 ranÂking ang pinakamataas na naabot ng Pilipinas sapul nang magkaroon ng FIFA rankings.
Naunang naabot ng Azkals ang nasabing puwesto noong Nobyembre, 2012.
Umangat man, ang PiÂlipinas ay nanatiling naÂsa ikatlong puwesto sa mga bansa mula South East Asia kasunod ng naÂÂngunguÂnang Vietnam (132) at Thailand (140).
Kung may dapat ikatuwa, ang Vietnam at Thailand ay parehong bumaba ng puwestoo dahil ang una ay nalagay sa129 habang ang huli ay nasa 135 noong nakaraang buwan.
Ang tinalo ng Pilipinas na Turkmen na pumangaÂlawa sa 2012 AFC Challenge Cup sa Nepal ay nakapuwesto sa 131st.
Inaasahang magsisikap pa ang Azkals na maÂkagawa ng bagong record sa rankings sa pagharap sa Hong Kong sa Hunyo 4 sa isang Friendly Match.
Ang larong ito ay magiging bahagi na ng paghahanda ng koponan para sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives.
Hanap ng Pilipinas sa Maldives ang mahigitan ang naabot na semifinals sa Nepal at nabigong umabante ang Azkals nang natalo sa Turkmen, 2-1.
Inaasahang malakas na manlalaro ang bubuo sa Azkals lalo kung mapapahintulutan ang kahilingan ng Philippine Football FeÂderation sa AFC na gaÂwin ang torneo sa FIFA International Match Days upang makasama ang mga mahuhusay na Fil-Foreigners sa koponan.
- Latest