MANILA, Philippines - Kabuuang 19 players, ang 16 dito ay mula sa Metro Manila, isa sa Bulacan, isa sa Rizal at isa sa Laguna, ang lumabas na pinakamagagaling sa Manila RegionaÂl Selection Camp ng Jr. NBA Philippines 2013 na inihahandog ng Alaska at idinaos sa Aquinas Gym sa San Juan noong Abril 14.
Ang Manila Regional Selection Camp ang pinakahuÂling tryout para sa Jr. NBA Program kasunod ang Jr. NBA National Training Camp na lalahukan ng 50 players na mga top picks buhat sa mga regional selection camps sa iba’t ibang rehiyon at sa Alaska Power Camp.
Ang 19 players ay sina Rodney Manuel at Nikolai Azurin ng San Juan, Tyler Tio at Gian Mamuyac ng Mandaluyong, Miguel Fortuna at Derrick Caalaman ng Parañaque, Vince Ferrer, Marco Sario, Luigi Velasco at Kenneth Maneze ng Makati, Bryeo Bunyi at Benedict Cruz ng Manila, Paolo Rivero ng Pasig, Christian Anterola ng Las Piñas, Kyle Ong ng Quezon City, Juan Paolo Garcia ng Valenzuela, Bryan Lina ng Antipolo, Maverick Barles ng Bulacan at Samuel Abuhijleh ng Laguna.