Filoil Flying V, Ateneo nakaligtas

MANILA, Philippines - Naligtasan ng Ateneo ang mabigat na hamong ibinigay ng Southwestern U nang itakas ang 77-72 panalo noong Sabado ng gabi at makasama ang La Salle at nagdedepensang National U sa maagang pangunguna sa pagbubukas ng Filoil Flying V Hanes Premier Cup sa The Arena sa San Juan.

Humakot si Keifer Ra­vena ng 22 puntos, bukod pa ang pitong rebounds, limang assists, dalawang steal at block shot upang banderahan ang Blue Eagles na wala ang limang stalwarts mula sa five-team UAAP champion team.

“We’re definitely smaller this year so we will be relying on a guard-heavy team this season,” ani Ravena.

Dahil sa pagkawala ng mga higanteng sina Greg Slaughter, Justin Chua at Nico Salva, nangapa ang Eagles sa ilalim kung saan ipinarada ng Cobras, ang  reigning CESAFI, ang tatlong Cameroonian na sina  Fabrice Siewe, Landry Sanjo at Justin Aboude, na nagsanib puwersa sa itinalang  25 puntos at 19 rebounds.

Ngunit ginamit ni Ra­vena at ng kanyang teammates ang kanilang bilis at determinasyon upang makasabay sa mga higan­teng manlalaro at igupo ang bisitang koponan.

 

Show comments