NEW ORLEANS--UmisÂkor si Kobe Bryant ng 34 points bagamat naglaro sa second half na sumasakit ang kanyang injury sa kaliwang binti para igiya ang Los Angeles Lakers sa 118-116 panalo laban sa Golden State Warriors noong Biyernes.
Pinalakas ni Bryant ang tsansa ng Lakers para sa pang-walo at huling NBA playoff berth.
Matapos ang laro, inihaÂyag ng Lakers na maaÂaring mayroong napunit na litid sa kanyang kaliwang binti si Bryant.
Sasailalim siya sa isang MRI exam sa Sabado, ngunit alam ni Bryant na ang naturang injury ang tatapos sa kanyang season.
Nanatili sa laro si Bryant, ang fifth-leading scorer sa NBA history, hanggang sa huling 3:06 minuto sa fourth quarter kahit na may injury sa kanyang kaliwang binti sa second half.
“I made a move that I’ve made a million times, and it just popped,†sabi ni Bryant sa loob ng Lakers’ locker room.
Tumipa naman si Stephen Curry ng 47 points para sa Warriors.
Naungusan ng Los AngeÂles ang Utah Jazz para sa eighth playoff spot sa NBA Western Conference sa huÂling dalawang laro
Sa Salt Lake City, kinuha ng Jazz ang 107-100 taÂgumpay laban sa Minnesota Timberwolves tampok ang 40 points ni Al Jefferson.
Sa Miami, umiskor si LeBron James ng 20 points sa loob ng 29 minuto at nagdagdag si Rashard LeÂwis ng 19 para igiya ang Miami Heat sa 109-101 paggupo sa Boston Celtics para pantayan ang kanilang franchise record sa pagkakaroon ng pinakamaraming panalo sa kanilang tahanan.