Thunder iniangat ni Durant sa West Bulls tinapos ang pananalasa ng Knicks
CHICAGO--Isa na namang mahabang winning streak ang winakasan ng Bulls.
Naglista si Nate Ro-binÂson ng season-high 35 points para tulungan ang Chicago Bulls sa 118-111 overtime win laban sa New York Knicks noong Huwebes ng gabi.
Tinapos ng Bulls ang itinalang 13-game winning run ng Knicks.
“It’s over with,’’ ani coach Mike Woodson. “You can’t win them all.’’
Nag-ambag naman si Jimmy Butler ng 22 points, habang may 16 si Luol Deng para sa Bulls na nauna nang winakasan ang 27-game winning streak ng Miami Heat noong Marso 27.
Naimintis ni Carmelo Anthony ang kanyang tira sa pagtatapos ng regulation para sa Knicks bago nagbida si Robinson para sa Chicago sa overtime period
“For us, we’re not focused on stopping streaks,’’ wika naman ni Robinson. “We’re just trying to get better as a team going into the playoffs.’’
Sinimulan ni Robinson ang overtime sa pagsalpak ng tres na nagbigay sa Bulls ng 108-105 pangunguna.
Sa Oakland, Calif., kumabig si Kevin Durant ng 31 points, 10 rebounds at 8 assists para banderahan ang Oklahoma City Thunder sa 116-97 panalo laban sa Golden State Warriors at muling pamunuan ang Western Conference.
Umiskor si Kevin Martin ng 23 points mula sa bench, habang naglista si Russell Westbrook ng 18 points at 9 assists para sa Thunder na inungusan ang San Antonio para sa top seed.
May 1-1 record ang Spurs sa kanilang season series ng Oklahoma City, ngunit tangan ng Thunder (58-21) ang tiebreaker dahil sa mas maganda nilang conference record.
Tumirada naman si Stephen Curry ng 22 points at may 19 si reserve Jarrett Jack para sa playoff-bound na Warriors na hindi nagamit si center Andrew Bogut matapos itong magkaroon ng isang sprained left ankle injury.
Angat ang Warriors (45-34) sa Houston RocÂkets para sa sixth place sa West, ngunit hawak ng RoÂckets ng tiebreaker matapos manalo sa tatlo sa kanilang apat na pagtatapat ngaÂyong season.
- Latest