^

PSN Palaro

Donaire kayang pabagsakin si Rigo - Mares

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahihirapan si unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa mga unang rounds ng kanilang laban.

Ngunit sinabi ni da­ting WBC super bantamweight titlist Abner Mares ng Me­xico na makukuha rin ni Donaire ang kahinaan ni Rigondeaux sa kanilang unification fight sa Abril 13 sa Radio City Music Hall sa New York.

“It might be a chess match for maybe the first three rounds,” wika ni Mares sa panayam kaha­pon ng RngTV. “But I think that Nonito will finally figure out Rigondeaux’s style.”

Nakatakdang itaya ni Donaire (31-1-0, 20 KOs) ang kanyang mga suot na WBO at IBF super bantamweight titles laban kay Rigondeaux (11-0-0, 8 KOs) na magsusugal naman ng kanyang bitbit na WBA crown.

Ang 30-anyos na si Donaire ay isang world four-division champion, habang isang two-time Olympic Games gold medalists naman ang 32-anyos na si Rigondeaux para sa Cuba.

Bago maplantsa ang kanilang unification fight ni Rigondeaux, si Mares (25-0-1, 13 KOs) sana ang makakasagupa ni Donaire kundi lamang sa away ng kanilang mga promoters na sina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions. 

Kung sinuman ang ma­nalo sa pagitan nina Donaire at Rigondeaux ay handa si Mares, binakante ang WBC super bantamweight belt para umakyat sa featherweight class, na hamunin ito.

ABNER MARES

BOB ARUM

BUT I

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GOLDEN BOY PROMOTIONS

GUILLERMO RIGONDEAUX

NEW YORK

RIGONDEAUX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with