^

PSN Palaro

Mixers puntirya ang quarters VS Express twice-to-beat pakay ng Aces sa Kings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m. San Mig Coffee vs Air21

7:30 p.m. Ginebra

vs Alaska

MANILA, Philippines - Ang Gin Kings ang pina­kamainit na koponan nga­yon mula sa kanilang sinasakyang six-game winning streak matapos ang 1-5 panimula sa torneo.

At kagaya ng mga suwerte, ito ay natatapos din.

“Sa law of averages matatalo daw kami, pero I told them na wala sa cha­racter namin ‘yun,” sabi ni head coach Alfrancis Chua.

Puntirya ang kanilang pang-pitong sunod na rat­sada at pananatili sa ikatlong puwesto, sasagupain ng Barangay Ginebra ang  nangungunang Alaska,  asam ang twice-to-beat  nga­yong alas-7:30 ng gabi sa 2013 PBA Commissio­ner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-5:15 ng hapon, magtatapat naman ang nagdedepensang San Mig Coffee at ang Air21.

Kinuha ng Gin Kings ang kanilang pang anim na dikit na panalo nang takasan ang Meralco Bolts, 91-90, noong Linggo tampok ang winning basket ni import Vernon Macklin sa huling 7.9 segundo sa laro.

Bitbit ng Ginebra ang 7-5 record katabla ang Petron Blaze sa ilalim ng mga kapwa quarterfinalists na Alaska (9-3) at Rain or Shine (8-4) kasunod ang Talk ‘N Text (6-6), Meralco (6-6) San Mig Coffee (6-6), Air21 (5-7), Barako Bull (4-8) at Globalport (2-10).

Sinikwat ng Gin Kings ang huling dalawang panalo nila na wala si 2012 PBA Most Valuable Player Mark Caguioa.

Matapos labanan ang Aces, ang Elasto Painters naman ang haharapin ng Gin Kings sa kanilang hu­ling laro sa eliminasyon.

“Ayoko ngang malaman ang natitirang schedule. Gusto ko lang focus kami kung anong game ang lalaruin namin,” wika ni Chua.

Nanggaling din sa panalo ang Aces nang talunin ang Elasto Painters, 89-84, matapos bumangon mula sa isang 22-point deficit sa third period.

vuukle comment

ALFRANCIS CHUA

ANG GIN KINGS

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

GINEBRA

SAN MIG COFFEE

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with