Gonzales sasabak sa pinakamatindi niyang laban sa pagharap kay Udomchoke

MANILA, Philippines - Nahaharap si Fil-Am Ru­ben Gonzales sa kanyang pinakamabigat na la­ban sapul nang mapabi­lang sa Philippine Davis Cup team.

Kasukatan ng No. 1 player ng Pilipinas ang pam­bato ng Thailand na si Da­nai Udomchoke nga­yong hapon na maaaring mag­determina kung sino sa Pilipinas at Thailand ang ma­nanalo sa idinadaos na Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup semifinals sa Plantation Bay Resort at Spa sa Lapu Lapu City.

Matapos ang unang araw noong Biyernes ay nag­hati ang magkabilang bansa sa tig-isang panalo sa dalawang singles na pi­naglabanan.

Si Gonzales ang siyang nag­bigay ng unang panalo sa host country sa pamamagitan ng 6-7 (6), 6-4, 2-0 (ret) laban kay Wishaya Trongcharoenchaikul bago nai­tabla ni Udomchoke ang best-of-five tie sa 6-3, 6-2, 1-6, 6-2 panalo laban kay Johnny Arcilla.

Kagabi ginawa ang doubles at nagtuos sina Treat Huey at Francis Ca­sey Alcantara laban sa mga batang netters na si­na Nuttanon Kadchapa­nan at Pruchya Isarow pa­ra sa mahalagang 2-1 ka­lamangan.

Ang nanalo sa unang reversed singles na na­ka­takdang maganap sa alas-3:30 ng hapon ang si­yang magkakaroon ng pag­kakataong wakasan ang tagisan.

Sakaling mangailangan ng deciding fifth game, ang nakatokang magtuos ay sina Arcilla at Wishaya.

Nasa ika-walong tie, ang 27-anyos na si Gonzales na ranked 784 sa singles ay mapapalaban sa 31-anyos at 207 ranked na si Udomchoke, ngunit may ti­wala si non-playing team captain Ronald Kraut sa ka­pasidad ng Fil-Am.

“Among the four of them, I feel that Ruben has the game style that can give Danai some trouble, his big serves and ground strokes,” ani Kraut.

 

Show comments