Thunder inilampaso naman ang Pacers: Lakers nagpalakas sa no. 8 seat

LOS ANGELES -- Nagposte si Kobe Bryant ng 24 points at 9 assists, habang hu­makot si Pau Gasol ng 19 points para pagbidahan ang 86-84 panalo ng Los An­geles Lakers laban sa Mem­phis Grizzlies at pala­ka­sin ang kanilang tsansa sa No. 8 spot sa Western Con­ference Playoffs.

Nagsalpak si Dwight Ho­ward ng isang free throw sa na­titirang 4.1 segundo para sa Lakers kasunod ang kan­yang depensa sa tira ni Mike Conley para sa huling pag­tatangka ng Grizzlies.

Ito ang pangatlong su­nod na ratsada ng La­kers upang patibayin ang ka­nilang pag-asa sa isang post­season spot.

Inangatan ng Los Angeles (40-36) ang Utah (40-37) sa Western Conference.

‘’This is the big push for us,’’ sabi ni Bryant. ‘’We’ve got a very tough stretch, and we’re excited.”

Tumapos si Howard na may 9 points at 10 re­bounds, samantalang may tig-13 points naman si­na Earl Clark at Antawn Ja­mison para sa Lakers na mu­­ling nanalo na wala ang mga may injury na sina Steve Nash at Metta World Peace.

Nakaiwas din ang Los An­geles na mawalis ng Mem­phis sa kanilang season series.

Ang kabiguan ang tumapos sa four-game winning streak ng Grizzlies.

Umiskor si Conley ng 21 points para sa Memphis, ngunit naimintis ang poten­s­yal na go-ahead jumper sa hu­ling limang segundo at isang layup na binulabog ni Howard sa pagtunog ng fi­nal buzzer.

Nagtala si Marc Gasol ng 11 points, 8 rebounds at 7 assists para sa Grizzlies sa kanilang pagtatapat ng kanyang kapatid na si Pau.

Sa Indiana, nagtala si Ke­vin Durant ng 34 points at 9 rebounds, habang huma­kot si Russell Westbrook ng 24 points, 7 rebounds at 9 assists para tulungan ang Ok­lahoma City Thunder sa 97-75 paglampaso sa In­diana Pacers.

 

Show comments