^

PSN Palaro

Humina ang signal

FREE THROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Ano ba yan?

Pagkatapos na matambakan ng  31 puntos ng Rain or  Shine,  hayun  at naungusan ng defending champion San Mig Coffee ang Talk  N  Text, 83-82  noong Miyerkules upang bumagsak sa 5-6 ang Tropang  Texters.

Sa ikalawang pagkakataon sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup ay nakalasap ng back-to-back na kabiguan ang mga bata ni coach Norman Black.

Parang ‘unthinkable’ na ito, e. Considering na napakalakas ng line-up ng Tropang Texters at mara­ming nagsasabi na matapos magkampeon sa nakaraang Philippine Cup ay posibleng makumpleto na rin (sa wakas) ang minimithing Grand Slam.

 Well, yung unang back-to-back na kabiguan nila ay kinalimutan na dahil sa pinauwi na nila ang original choice nila bilang import na si Keith Benson. Sabi nga ng iba’y matagal nang dapat tsinugi ito.

 Pinarating ng Tropang Texters ang datihang si Donnel Harvey at umayos na  ang kanilang  kampanya. Kasi  nga’y hindi na nila kailangan ng adjustment period. Si Harvey ay kilala na nila.

 Kaya lang ay bigla na naman silang nanlamlam. Biruin mong tinambakan sila ng Elasto Painters, 116-85. Thirty one points.

Natalo sila sa koponang winalis nila sa finals ng nakaraang Philipine  Cup, isang koponang anim na beses na nilang tinatalo sa kasalukuyan season.

 Okay lang sana yung matalo nang kapiraso lang, e. Kumbaga’y dikdikan mula umpisa hanggang dulo bago nasilat.

Pero mula umpisa hanggang dulo’y  idinikta ng Rain or Shine ang laro. At hindi nakaporma ang Talk N Text.

Dahil doon ay matagal na kinausap ni Black at ng pamunuan ng Talk N Text ang Tropang Texters sa locker nila pagkatapos ng laro.

 At tila nagbunga naman ng maganda ang usapan.

Kasi, kontra San Mig Coffee noong Miyerkules ay in-charge ang Tropang  Texters.  Ito’y sa kabila ng pangyayaring na-miss nila si Kelly Williams na tila nagbalik ang dating problema sa dugo at kinailangang magfile ng indefinite leave.

Mabuti na lang at nakabalik sa active duty si Ali Peek matapos na magpaopera at mawala sa unang sampung laro nila sa Philippine Cup.

Papasok sa final quarter ng laro laban sa Mixers ay lamang pa ng sampu ang Tropang Texters. Papasok nga sa huling isa’t kalahating minuto’y limang puntos pa ang abante nila.

Pero akalain ba naman  ng lahat na madidiskaril pa ang Tropang Texters at makakaulit ang Mixers?

Aba’y malaki na ang problema ng Talk N Text kung gayon. Kasi nga’y dapat na natuto na sila sa pag­katalo nila sa Rain or Shine. Dapat ay nakabawi na sila’t nakabangon.

Ngayon ay lalo pa silang nabaon.

Kung hindi magbabago ang takbo ng pangyayari, baka makalaban ng Tropang Texters ang isa sa top two teams na magkakaroon ng twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals.

Kahit napakalakas ng Talk N Text, malamang sa ma­hirapang lumusot.

 

vuukle comment

KASI

NILA

PHILIPPINE CUP

SAN MIG COFFEE

TALK N TEXT

TEXTERS

TROPANG

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with