MANILA, Philippines - Darating ang panahon na hindi na magkakaroon ng problema ang Philippine Olympic Committee (POC) hinggil sa kawalan ng eleksyon ng mga kaÂsaping National Sports Associations (NSAs).
Ipinag-utos ni POC 1st Vice President at membership committee chairman Joey Romasanta ang pagkakaroon ng ulat patungkol sa mga eleksyon na dapat gawin ng mga NSAs.
“Matagal ng problema ng POC ang mga eleksyon ng mga NSAs kaya dapat na itong tutukan at ayusin,†wika ni Romasanta.
Una niyang hiningi ang tamang iskedul ng mga eleksyon ng mga naÂsaÂsakuÂpang miyembro at isusunod dito ay ang Constitution at By-Laws para malaman kung paano isinasagawa ang kanilang halalan.
Isa sa problema na may relasyon sa eleksyon ng NSA ay sa Philippine Volleyball Federation (PVF) nang ihayag ng dating secretary-general Vangie de Jesus na napaso na ang termino ng mga opisyales noon pang Disyembre.
Si De Jesus ang nanguÂnguna sa pagbabago sa PVF at dahil dito ay inalis siya sa puwesto at sinuspindi ng nakaupong pangulo na si Gener Dungo.Â
Ang Philippine NatioÂnal Shooting Association (PNSA) ay dating may problema rin sa eleksyon ngunit naayos na ito nang naupo bilang pangulo si dating secretary-general (ret.) Col. Danilo Gamboa para halinhinan ang ‘di na tumakbo na dating pangulo na si Dr. Mikee Romero.
“Hindi naman puwede na habang buhay ay carry-over ang leadership sa NSA. Kaya ngayon pa lamang ay dapat na maisaayos na ang problemang ito dahil ang POC din ang nahihirapan kapag lumala ang problema,†wika ni Romasanta.
Isang pagpupulong ang balak na isagawa para sa bagay na ito at ipaunawa na seryoso ang POC na tapusin ang problema sa halalan ng mga NSAs.