MANILA, Philippines - Isasaere ng ABS-CBN ang laban sa pagitan nina Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria at Mexican Juan Francisco ‘El Gallo’ Estrada sa Linggo ng umaga simula sa alas-10:15.
Si Estrada (22-2, 18 Kos) ang pinakaunang mangangahas na agawin mula kay Viloria ang kanyang unified flyweight title sa labang tinaguriang “Rambulan sa Macau†na gaganapin sa 15,000-seaÂter na Cotai Arena sa Venetian Resort and Casino.
Sa isang panayam sa ABS-CBN News, ipinahaÂyag ni Viloria na kumpiyansa siyang maipapanalo niya ang laban at muli’y magbigay karangalan sa bansa.
“Nagawa ko na ang lahat ng training na kailangan ko kaya naman ngayon ay maghihinay-hinay na lang ako at babantayan ang timbang ko. Sana nga ngayong gabi na ang laban,†pahayag ni Viloria.
Samantala, isa pang Pinoy ang magpapasiklab din sa boxing ring sa Macau at ito ay ang WBO International Flyweight Champion na si Milan “El Metodico†Melindo (27-0, 11 KOs) na sasagupa kay Indonesian WBO Asia Pacific light flyweight champion Tommy Seran sa undercard.
Ito ang unang pagkakataong lalaban si Melindo sa ilalim ng Top Rank boÂxing at mapapanood sa buong mundo kaya naman ganoon na lang kahalaga sa kanya ang nalalapit na pakikipagtuos at gagawin ang lahat para manalo.