Sa pagsagupa ng team Phl kontra sa Thailand sa Davis Cup Gonzales gustong ibigay sa bansa ang 1-0 abante
MANILA, Philippines - Sasandalan ni Ruben GonÂzales ang kanyang maÂlawak na karanasan sa pagÂlalaro upang ibigay ang mahalagang unang panalo laban sa batang si Wishaya Trongcharoenchaikul sa pagÂbubukas ngayon ng Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup semifinals sa Plantation Bay Resort at Spa sa Lapu Lapu City.
Si Trongcharoenchaikul ay isang 17-anyos na netter at bagama’t handa ito na siÂlatin si Gonzales, nananaÂlig naman ang 27-anyos Fil-Am na kaya niyang maÂkapag-execute sa laro para ibigay ang 1-0 karta sa host country.
Ang ikalawang laro ay sa pagitan nina Thai No. 1 at 2006 Asian Games gold medalist Danai Udomchoke at Johnny Arcilla na magÂsisimula matapos ang unang tagisan na itinakda sa alas-3:30 ng hapon.
Ang mananalo sa tie ay aabante sa Finals laban sa alinman sa New Zealand o Pakistan.
Aminado ang mga Thais na mapapalaban siÂla dahil bukod sa mga bata ang kanilang manlalaro ay ngaÂyon din lamang sila saÂsalang sa clay court.
“We haven’t played that much on a surface like this but we are ready to adapt,†wika ng non-plaÂying team captain ng biÂsitang koÂponan na si Tanakorn SriÂchapan.
Ang aksyon ay magpapatuloy bukas sa doubles sa ganap na alas-6 ng gabi.
Nominado sina Fil-Am Treat Huey at Francis Casey Alcantara laban sa Thai junior players na sina Nuttanon Akadchapanan at Pruchya Isarow, pero puÂwedeng magpalit ng manÂlalaro isang oras bago ang labanan
Ang reversed singles ay gagawin sa Linggo at ang unang laro ay sa ganap na alas-3:30 ng hapon.
Limang beses nagkita ang Pilipinas at Thais sa Davis Cup at angat ang host country sa 3-2 iskor.
- Latest