MANILA, Philippines - Palaban pa rin ang two-time defending champion Ateneo sa first conference ng 10th season ng Shakey’s V-League na magbubukas na sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.
Wala sa pagkakataong ito ang mahusay na Thai import na si Kesinee Lithawat pero tiniyak ni Ateneo athletic director at Sports Vision president Ricky Palou na hindi basta-basta isusuko ng koponan ang hawak na titulo.
“Hindi available si KeÂsinee dahil nasa Vietnam siya. Pero andyan pa rin kami at palaban pa rin,†wika ni Palou nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon kasama ang chairman ng Sports Vision na si Moying Martelino at Shakey’s COO at EVP Vic Gregorio.
Mataas ang kumpiyanÂsa ni Palou dahil nasa koponan pa rin sina Alyssa Valdez, Fille Cainglet, Jem Ferrer at Dzi Gervacio na naglaro sa UAAP Finals laban sa La Salle.
Kinuha rin nila ang mahusay na open spiker at blocker na si Rachel Ann Daquis at dating manlalaro na si Aerieal Patnongon bilang guest players.
Nakikita ni Palou ang six-time champion UST, San Sebastian at baguhang Arellano na siyang maÂkaÂkaribal ng Lady Eagles.
Sampung koponan ang kasali at kukumpletuhin ang mga kalahok ng NCAA champion Perpetual Help, National University, Letran, Adamson at mga provincial teams na La Salle-Dasmariñas at University of San Carlos-Cebu.
Ang UST ay ibinabalik ang dating manlalarong sina Rhea Dimaculangan at Aiza Maizo, sina Thai import Jeng Bualee at Suzanne Roces ang sa San Sebastian habang ang daÂting MVP na si Nene Bautista at Mary Jane Balse ang sa Arellano.
Natuwa naman si Gregorio dahil nasa ika-10 taon na ang liga at tiniyak niyang patuloy na susuporta ang Shakey’s sa torneo.