Jr. NBA dadayo sa Davao sa Abril 1-2

MANILA, Philippines - Iinit pa ang interes sa basketball sa Davao City sa pagdayo ng 2013 Jr. NBA Philippines para sa Regional Selection Camp.

Ang dalawang araw na Camp ay di-dribble mula Abril 1 at 2 at makakatikim ang mga sasali ng NBA style na skills test at basketball drills.

Sa ganap na alas-9 ng umaga magsisimula ang Camp at ang unang araw ay katatampukan ng skills test at drills bago pipili ang mga coaches ng 40 manlalaro na may pinakamagandang ipinakita.

Babalik kinabukasan ang mga napili para sa mas pinaigting na drills at scrimmages para makapili ng 10 basketbolista na kakatawan sa rehiyon sa gagawing National Training Camp sa Manila mula Abril 26 hanggang 28.

Si Jr. NBA Coach Sefu Bernard at PBA Legend Jojo Lastimosa ang mga mangunguna sa mga coaches na hahawak sa dalawang araw na camp.

Matapos ang camp, ang mga batang basketbolista na edad 10 hanggang 14 ay sasailalim pa sa pagsasanay upang matutunan at akapin ang S.T.A.R (Sportsmanship, Teamwork, Attitude, Respect) values.

 Matapos ang Davao ay lilipat ang Camp sa Lucena sa Abril 6 at 7 at sa Manila sa Abril 13 at 15.

Show comments