^

PSN Palaro

Sa pagpadyak ng 2013 Le Tour: Ravina mapapalaban sa ahunan sa Stage 4

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susi sa target na panalo ng mga siklistang kasali sa 2013 Le Tour de Filipinas ang pagdomina sa Stage  Four na Bayombong (Nueva Vizcaya) hanggang Baguio City na ruta.

Bagamat hindi kaha­baan ang tatakbuhing dis­­tansya na nasa 133.5 kilometro, masusukat uli ang tibay at tikas ng mga sasali dahil sa mga ahunan na 90% na makikita sa nasabing ruta.

Si Baler Ravina ang siyang nagdedepensang kampeon at inihayag niya ang kahandaan na mapa­natiling hawak ang titulo kahit maraming mahuhusay na dayuhang koponan bukod sa mga local teams ang susukat sa kanyang galing.

“Isang taon ko rin hinintay itong karera at talagang naghanda ako rito para maidepensa ang titulo ko. Alam kong mabibigat ang mga kasali lalo na ang mga dayuhan, pero itinuturing ko ito bilang dagdag inspirasyon para maipakita ang  kalidad ko,” wika ni Ravina.

Naging mabisang sandata sa panalo ni Ravina ang pangunguna sa Stage Four.

Nakasabayan ni Ravina si Joel Calderon na nakapagsumite ng apat na oras, 36 minuto at 06 na segundo nang dominahin ang huling stage na dumaan sa bulubundukin ng Cordilleras na kilala rin bilang Northern Green Alps.

Naniniwala naman si race organizer Gary Cayton ng Dynamic Outsource Solutions. Inc.na ang rider na makakapagtala ng bagong course record sa Stage four ang kikilala­ning kampeon ng Le Tour na gagawin mula Abril 13 hanggang 16.

“That time submitted by Calderon and Ravina stands as the record of the latest and biggest challenge in Philippine cycling. That is the time to beat and whoever does has a great chance of becoming the champion this year,” wika ni Cayton.

BAGUIO CITY

CALDERON AND RAVINA

DYNAMIC OUTSOURCE SOLUTIONS

GARY CAYTON

JOEL CALDERON

LE TOUR

NORTHERN GREEN ALPS

NUEVA VIZCAYA

RAVINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with