Tac balik PNSA board
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni NaÂthaÂniel “Tac†Padilla ang pitong dating board members na manunungkulan uli sa Philippine National ShooÂting Association (PNSA) sa susunod na apat na taon.
Nagdaos ng eleksyon ang PNSA kahapon sa Marines Shooting Range sa Forth Bonifacio at si Padilla na kasapi ng pistol aggrupation, ay kumubra ng 21 boto.
Nakasama niyang pumasok uli sa board ang kapatid na si Donald at baguhang si Patrick Chuasoto mula sa pistol.
Ang PNSA ay binubuo ng limang aggrupations at bukod sa pistol, naririyan din ang shotgun, rifle, practical shooting at non-ISSF. Ang bawat grupo ay nagluklok ng tig-tatlong opisÂyales para maging kinatawan sa 15-man board.
Balik-PNSA official din ang chairman na si IldeÂfonso Tronqued Jr. at secretary-general Col. Danilo Gamboa na kasapi ng practical shooting at rifle.
Sina Aristotle Viray, Raymond Limcaco, Gabriel Tong ng shotgun, Emiliano Llames at Herman Delos Santos ng practical, EmeÂrito Concepcion at Severino Villarama ng rifle, Richard Fernandez at Maria Marcia Cleofas ng non-ISSF ang nakakuha rin ng puwesto sa board.
Ang ika-15 kasapi ay pagdedesisyunan pa ng non-ISSF dahil sina Roland Doncillo at Augusto Justiniano ay nagtabla bitbit ang tig-anim na puntos.
Sina Cleofas, Doncillo at Justiniano ay kasama sa dating board na nanungkulan sa ilalim ng pangulong si Dr. Mikee Romero.
Napasok si Romero matapos magbitiw sa kanyang puwesto ang dating pangulong si Art Macapagal noong Hunyo ng 2011, nagdesisyon na ang Harbour Centre executive na huwag ng lumahok sa eleksyon dahil sa dami ng pinagkakaabalahan.
- Latest