^

PSN Palaro

2-gold sa Rizal TWH

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sta. Cruz, Laguna --Kumuha ng dalawang gintong medalya ang Rizal -Taha­nang Walang Hagdanan sa wheelchair basketball matapos walisin ang 3-on-3 at 5-on-5 events sa pagsasara ng 2nd Philippine Sports Commission-Philippine Sports Association for the Differently Abled Para National Games.

 Kinailangan ng Rizal TWH, kinabibilangan ng apat na miyembro ng national team, na talunin ang Philippine Orthopedic Center (POC) Mustangs na may anim na kasapi ng RP squad para kunin ang 68-61 panalo sa kampeonatong isinagawa sa Laguna Sports Complex.

 Hinirang na Most Valua­ble Player si Marcos Rabasto ng Rizal TWH.

Kinuha rin ng Rizal ang ginto sa 3-on-3 nang igupo ang QC POC Mustangs, 21-12.

Sinikwat ng Davao City Aguila ang titulo sa Goal Ball matapos itala ang pinakamataas na goal difference kontra sa Philippine National School for the Blind (PNSB-NCR).

May magkatulad na 5 panalo at 1 talo ang dalawa, ngunit dahil sa 24-22 na dami sa goal ay tinanghal na kampeon ang Aguila.

Nanalo sa Chess for visually impaired ang non-rated na si Menandro Redor na may 6.5 puntos para sa ginto kontra kina Rodolfo Canonigo (pilak) at Melchor Pizarro (tanso) habang muling wagi din sa Orthopedically handicapped si Sander Severino (ginto), Henry Roger Lopez(pilak) at Joseph Gregana (tanso).

DAVAO CITY AGUILA

DIFFERENTLY ABLED PARA NATIONAL GAMES

GOAL BALL

HENRY ROGER LOPEZ

JOSEPH GREGANA

LAGUNA SPORTS COMPLEX

MARCOS RABASTO

MELCHOR PIZARRO

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with