^

PSN Palaro

Hari sa White Diamond Super 9-ball: Bustamante nakadale uli

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumangon si Francisco Bustamante mula sa one-loss side para pagha­rian ang 4th Annual White Diamond Super 9-Ball Tour­nament na nilaro sa  White Diamond Billiards sa Lafa­yette, LA.

Umabot sa 128 ang manlalarong sumali sa kom­petisyong ginawa noong Marso 16 at 17 at si Bustamante ay nalaglag sa loser’s bracket sa kamay ni Chip Compton sa 4-7 iskor sa karera para sa hot seat.

Nakaharap ni Bustamante para sa karapatang makalaro sa Finals si Skyler Woodward at inilabas ng beteranong Filipino cue artist ang bangis ng laro laban sa batang pool player para sa 7-5 panalo.

Two-set Finals ang ta­gisan para sa titulo at hin­di na nagpabaya pa si Bustamante sa ikalawang pagharap kay Compton.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng 49-anyos at tubong Tarlac na makati­kim ng momentum ang mas batang katunggali at ang dalawang labanan ay nauwi sa 7-2 dominasyon para kay Bustamante.

Naibulsa ng 2010 World 9-ball champion ang unang gantimpala na $2,143.00 habang si Compton ay nakontento sa $1,040.00.

Ang panalo ay ikala­wang sunod para kay Bus­tamante matapos manaig sa 4th Annual Chet ­I­tow Memorial  na ginawa noong Marso 9 at 10.

Ito ang ikaapat na panalo sa taon ni Bustamante matapos dominahin ang 2013 Derby City Classic Banks Division at ang Derby City Master of the Table para palawigin sa $45,593.00 ang kinita na.

Sumali rin si Warren Kiamco sa torneo at tuma­pos siya sa ikalimang puwesto para magkaroon ng $367.00 premyo.

 

ANNUAL CHET

ANNUAL WHITE DIAMOND SUPER

BALL TOUR

BUSTAMANTE

CHIP COMPTON

COMPTON

DERBY CITY CLASSIC BANKS DIVISION

PARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with