MANILA, Philippines - Hindi napigil nina Alberto Lim at Jurence Mendoza na mag-error sa mahalaÂgang super tie-break upang lasapin ang 6-7(9), 6-1, 8-10, pagkatalo kina Sumit Nagal ng India at Trongcharoenchaikul ng Thailand sa 24th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships boys’ doubles kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Umangat na sa 8-5 sina Lim at Mendoza nang sumablay ang kanilang mga returns para makabaÂngon ang dayuhang kaÂÂÂtunggali.
Si Trongcharoenchaikul na 93rd ranked player sa mundo ang siyang nagbiÂgay ng panalo gamit ang ace at matikas na backhand.
Hindi naman masasaÂbing sayang ang ipinakitang laban ng 13-anyos na si Lim at 16-anyos na si Mendoza dahil ito ang unang pagkakataon na nagtambal sila sa doubles.
Sa pagkatalong ito, tuluyang natapos na ang kamÂpanya ng dalawang junior netters ng Pilipinas dahil talsik na rin sila sa boys’ singles.
Si Lim ay sumuko kay 14th seed Duck Hee Lee ng Korea, 6-7 (5), 6-7 (3), habang si Mendoza na ranked 54th sa mundo, ay natalo sa French qualifier na si Alexandre Muller, 6-4, 3-6, 2-6, na nangyari noong Miyerkules.