Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
5:15 p.m. Petron Blaze vs Talk ‘N Text
7:30 p.m. Ginebra vs Meralco
MANILA, Philippines - Ang ikatlong sunod na panalo ang hangad ng Gin Kings, habang ipaparada naman ng Boosters ang isang balik-import bilang kapalit ni Renaldo Balkman na pinatawan ng lifetime ban at multang P250,000 dahil sa pagwawala noong Marso 8.
Sumasakay sa isang two-game winning run, sasagupain ng Barangay Ginebra ang Meralco ngaÂyong alas-7:30 ng gabi matapos ang pagbabandera ng Petron Blaze kay balik-import Rodney White kontra sa Talk ‘N Text sa alas-5:15 ng hapon sa elimiÂnÂation round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Ang huling dalawang tinalo ng Gin Kings ay ang nagdedepensang San Mig Coffee Mixers, 96-88, at ang Tropang Texters, 107-100.
“Dalawang malaking isda ‘yung nahuli namin. Nasa-cellar pa rin kami pero dikit-dikit naman. We just have to keep on winning,†sabi ni head coach Alfrancis Chua sa naturang mga panalo ng kanyang koponan na pinamunuan nina Mark Caguioa. LA Tenorio at import Vernon Macklin.
Nanggaling naman ang Bolts ni Ryan Gregorio sa 71-76 pagyukod sa Mixers noong nakaraang Biyernes sa Ynares Center sa Antipolo City.
Kasalukuyang bitbit ng Alaska ang liderato mula sa kanilang 7-2 baraha kasunod ang Petron (6-2), Rain or Shine (6-3), Talk ‘N Text (4-4), Meralco (4-4), San Mig Coffee (4-5), Air21 (4-5), Ginebra (3-5), Barako Bull (3-6) at Globalport (2-7).
Sa kabila naman ng kawalan ng import, nanalo pa rin ang Boosters laban sa Elasto Painters, 88-79, noong Sabado sa Panabo City.
Nakatakdang iparada ng Petron si White na daÂting naglaro sa Barako Bull noong nakaraang 2012 PBA Commissioner’s Cup kung saan siya nagtala ng mga conference-best na 29.8 points, 13.2 rebounds, 5.8 assists at 1.2 steals sa kanyang limang laro.
Matapos ang limang laro ay bumalik si White sa United States dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama.