Manila Seasports Festival dinomina ng Army, Triton A at Coast Guard

MANILA, Philippines -  Ang Philippine Army, Triton A, at Philippine Coast Guard ang mga nagsipagwagi sa dragon boat championships ng men’s, women’s at mixed open divisions sa taunang Manila Bay Seasports festival na ginanap noong linggo.

Nakamit naman ng mga batikang bangkero mula sa Agoo at Boracay ang kampeonato sa  bancathon. Si Ericson Rulloda, lulan ng Shane, ay siyang nagwagi sa Stock Race, habang si Ryan Isiderio naman na piloto ng Matador ang nanalo sa Formula Race.

Ang  Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Ginebra San Miguel, Eveready, the Social Security System, MyJuiz, Cobra Energy Drink, M. Lhuillier, Silka Papaya Soap, Manila Ocean Park, at Cord Marine Epoxy.

 

Show comments