OKLAHOMA CITY--Umiskor si Ty Lawson ng 25 points, habang nagtala si Andre Miller ng 20 points at 9 assists para tulungan ang Denver Nuggets sa 114-104 panalo laban sa Oklahoma City Thunder at makamit ang kanilang ika-13 sunod na tagumpay sapul nang sumali sa NBA.
Bagamat naiwanan ng isang puntos sa halftime, kinontrol naman ng Nuggets ang third quarter at hindi na hinayaan pang maagaw ng Thunder ang unahan.
Ang Denver ang unang koponan na tumalo sa Oklahoma City ng tatlong beses ngayong season.
Umiskor naman si Kevin Durant ng 34 points at may 25 si Russell Westbrook para sa Oklahoma City, nalasap ang kanilang pang-limang kabiguan sa kanilang tahanan ngayong season.
Ang pinakamahabang winning streak ng Nuggets na 12 ay kanilang naiposte noong 1982.
Mula sa 66-65 bentahe ng Thunder sa halftime, sinandalan ng Nuggets si Danilo Gallinari para sa kanilang 12-2 atake.
Ang right-handed, fast-break slam ni Andre Iguodala mula sa agaw ni Gallinari ang nagbigay sa Denver ng 80-70 kalamangan sa gitna ng third period.
Matapos ang magkasunod na basket ng Thunder, nagtuwang naman sina LawÂson at Corey Brewer upang ilayo ang Nuggets sa 87-74 sa 2:59 sa third quarter patungo sa kanilang 102-97 bentahe sa 4:08 ng final canto.
Sa Indianapolis, kumana si Paul George ng 19 puntos at nagtala naman si Tyler Hansbrough ng 14 puntos at 14 rebounds upang banderahan ang Pacers sa 95-73 pananaig laban sa Orlando Magic.
Ang panalo ay nag-a-ngat sa record ng Pacers sa 27-8 sa kanilang tahanan sa kabila ng ‘di paglalaro ng second-leading scorer na si David West na may sprained sa lower back.