MANILA, Philippines - Maliban sa posibleng pakikipagharap kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa pang-limang pagkakaÂtaon, tinitingnan din ni Juan Manuel Marquez ang pagÂhahamon niya kay world welterweight titlist Timothy Bradley, Jr.
Ito ang inihayag ni MarÂquez (55-6-1, 40 KOs) matapos talunin ni Bradley (30-0-0, 12 KOs) si Russian challenger Ruslan Provodnikov (22-2-0, 15 KOs), naging sparmate ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs), noong Linggo sa Home Depot Center sa Carson, California.
“Of course, going after the WBO title would be a possibility,†wika ng 39-anÂyos na si Marquez, isang world four-division king, sa koronang suot ni Bradley. “Why not go after a fifth title.â€
Ang nasabing WBO belt ni Bradley ay kanyang inagaw sa 34-anyos na si Pacquiao mula sa kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9, 2012.
Hanggang ngayon ay wala pang desisyon si Marquez kung lalabanan si Pacquiao sa pang-limang pagkakataon ngayong taon.
“If we continue in boxing, of course I would be thinking about winning a fifth championship,†ani Marquez sa kagustuhang hamunin si Bradley. “I have not decided my future. For now I’m focuÂsed on my family.â€
Ang planong pang-liÂmang paghaharap nina Pacquiao at Marquez ay inaÂasahang pag-uusapan sa pagharap-harap nila sa Abril 6 sa Macau.
Nauna nang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na magkikita sina Pacquiao at Marquez sa MaÂcau para panoorin ang pro debut ni Chinese two-time Olympic Games gold medal winner Zou Shiming kontra kay Mexican Eleazar Valenzuela (2-1-2, 1 KO) sa isang four-round flyweight bout sa Venetian’s Cotai Arena.