^

PSN Palaro

Celtics niresbakan ang Bobcats

Pilipino Star Ngayon

BOSTON -- Natuklasan na ng Bos­­ton Celtics kung paano talunin ang ko­ponang may pinakamasamang re­kord sa NBA.

Giniba ng Celtics ang Charlotte Bobcats, 105-88, noong Sabado ng gabi.

Nagposte si Paul Pierce ng 14 points, 8 assists at 6 rebounds para sa panalo ng Boston bago ipahinga sa kabuuan ng fourth quarter.

“It wasn’t a sense that we owed them one. It was a sense that we need to play better against them and we need to keep pla­ying well at home,’” ani Pierce. “It’s about us playing well and playing the right way.”

Limang Celtics ang umiskor double figures at ang lahat ng 11 players ay tu­mipa ng higit sa 5 points.

At ang tanging player na nasa official lineup na hindi nakaiskor ay si Kevin Garnett, ipinahinga ang kanyang namamagang kaliwang hita.

Sa kabila nito, tinalo pa rin ng Celtics ang Bobcats na nagpayukod ng dalawang be­ses sa kanila ngayong season.

Pinamunuan ni Jannero Pargo ang Char­lotte mula sa kanyang 18 points kasu­nod ang 16 ni Gerald Henderson at 14 ni Kemba Walker .

Nagsalpak ang Celtics ng 10-of-15 shooting sa 3-point line at tinalo ang Bobcats sa rebounding, 42-35.

Sa Philadelphia, naglista si Spencer Hawes ng 18 points at nagposte ng sea­son-best 8 assists at mga career highs na 16 rebounds at 7 blocked shots para igi­ya ang 76ers sa  98-91 panalo laban sa In­diana Pacers.

Nagdagdag si Jrue Holiday ng 27 points at 12 assists para sa ikatlong panalo ng Philadelphia sa kanilang huling 15 laro.

CHARLOTTE BOBCATS

GERALD HENDERSON

JANNERO PARGO

JRUE HOLIDAY

KEMBA WALKER

KEVIN GARNETT

LIMANG CELTICS

PAUL PIERCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with