Pinoy riders mapapasabak sa 4th Le Tour de Filipinas

MANILA, Philippines - Inilunsad kahapon ang ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas tampok ang anim na local teams at 20 foreign squads na nakatakda sa Abril 13 sa Pagudpud at magtatapos sa Abril 16 sa Baguio City.

 Sa 25 foreign teams na inimbitahan ay 14 na ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon, habang anim na local squads ang makikita sa karera.

Ang mga local teams na kalahok ay ang National Team, ang mga continental squads na LBC-MVPSF Cycling Pilipinas at Team 7-Eleven, ang Navy Standard Insurance Team, American Vinyl at ang Marines Cycling Team.

 Ang ilan sa mga foreign squads na inaasahang sasabak sa aksyon ay ang Dutch Global ng the Netherlands, Perth ng Australia, Atilla ng Mongolia, CNN ng Taiwan, Team Direct ng Hong Kong, Tabriz at Mirror Zamani ng Iran, Korean Railway ng Korea, Positivi Peugeot ng Japan, Ploygon ng Ireland, Portuguese CT ng Portugal at Brunei Cycling Team ng Brunei.

Isinantabi naman ng Malaysia ang kaguluhan sa Sabah sa paglahok ng tropa ng Terranganu.

“Sports is really a unifying factor and cycling is no exception. We’re happy the Malaysians are joining, they’ve been fixtures for the last four years so we’re really not surprised,” ani PhilCycling chairman emeritus Bert Lina ng Lina Group of Companies.

 

Show comments