Mainit ang simula nina Jones at Cruz
MANILA, Philippines - Magandang panimula ang ginawa nina Meredith Jones at Monica Therese Cruz nang manalo sa unang laro sa ikalawang linggo ng Ajay Pathak Memorial Cup ITF 14-Under Developmental Championship Division 1 girls singles kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Ang 14-anyos at eight seed na si Jones ay nanaig kay Yulla Kim ng UzbekisÂtan, 6-3, 6-2, habang si Cruz ay namayagpag kay Phuong Nguyen Thu, 6-3, 6-1, sa opening round ng palarong iniaalay para sa namayapang Philta at ITF official Ajay Pathak.
Isang quarterfinalist sa Week I, si Jones ay sunod na babangga kay Park MÂijeong ng Korea habang ang 13-anyos na si Cruz ay masusukat kay fifth seed Mihika Yadav ng India.
Si Mijeong ay umabot sa second round sa pamamagitan ng 6-3, 6-1, panalo kay Lam Wing Kiu ng Hong Kong habang si Yadav ay wagi kay Elizah Azkarova ng Kyrgyzstan, 6-1, 6-1.
Ang ibang Filipina netters ay sina Rafaela Jean Villanueva, Janelle Carmela Llavore at Chrislyn Sioson.
Si Villanueva ay namaÂalam kay Leila Azimova ng Kyrgyzstan sa tatlong sets, 4-6, 6-2, 2-6; si Llavore ay yukod kay Sruta Kirti Gunuganti ng India, 0-6, 1-6, habang sa 4-6, 4-6, pagkatalo natanggal si Sioson kay Sadaf Vaziri Sadegh ng Iran.
Muli namang ibinabandera ang boys division ni Week I winner Albert Lim Jr. na nag-bye uli sa first round ng torneo.
- Latest