^

PSN Palaro

Ika-7 titulo pakay ng Altas Perps Squad

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pakay ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) na ma­kuha ang ikapitong titulo sa NCAA Cheerleading Championship na paglalabanan ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Isang three-time defen­ding champion ang Altas Perps Squad na hawak ni Ruf Van Rosario at pina­pa­borang makaapat na sunod dahil handang-handa ang koponan para sa kompetisyon.

Sakaling mangyari ang inaasahang tagumpay, ito na ang lalabas bilang pinakamahabang cham­pionship streak ng paaralan sa Cheerleading matapos makatatlong sunod noong 2005 hanggang 2007 at 2009 hanggang 2012.

“We expect all teams to give us a tough challenge because they all want to dethrone us. But we have been preparing for this tournament and we are ready to defend our crown,” wika ni Rosario.

Mangunguna sa magtatangka na mapatalsik ang Altas Perps Squad na nagkampeon na rin sa National Cheerleading Championship, ang Mapua Cheer­ping Cardinals, JRU Pep Squad at Letran Cheering Squad.

Ang Mapua at Jose Rizal ang dalawang paaralan na nakakuha ng titulo sa kompetisyong sinimulan noong 2004 habang ang Letran ay dalawang beses na pumangalawa at tatlong beses na pumangatlo sa kompetisyon.

Ang iba pang kasali ay ang San Sebastian, College of St. Benilde, Emilio Aguinaldo College, San Beda College, Lyceum at Arellano University.

 

ALTAS PERPS SQUAD

ANG MAPUA

ARELLANO UNIVERSITY

CHEERLEADING CHAMPIONSHIP

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOSE RIZAL

LETRAN CHEERING SQUAD

MALL OF ASIA ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with