^

PSN Palaro

Caligdong, Sacapaño tatanggap ng Mr. Football award sa PSA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakita ng dalawang local football players mula sa Western Visayas ang kanilang husay sa kabila ng pagdagsa ng mga Fil-foreign football players noong nakaraang taon.

Nagbida si Chieffy Caligdong ng Pototan, Iloilo sa mga panalo ng Philippine Azkals, habang matinding depensa ang ibinigay ni goalkeeper Eduard Sacapaño ng Bago City, Negros Occidental bilang kapalit ni Neil Etheridge.

Dahil dito, kinilala sina Caligdong at Sacapaño bilang Mr. Football sa PSA-Milo Annual Awards Night sa Marso 16 sa grand ballroom ng Manila Hotel.

Ang 33-anyos na si Sacapaño at ang 30-anyos na si Caligdong ay bibigyang parangal ng pinakamatandang media organization sa bansa katulong ang SM Prime Holdings, Globalport 900, Meralco, Rain or Shine, ICTSI at Philippine Golf Tour, Philippine Basketball Association, LBC, Smart, Senator Chiz Escudero at Philippine Sports Commission.

Bilang isang substitute sa second half, ipinasok ni Caligdong ang game-winning goal sa 1-0 paglusot ng Azkals kontra sa Vietnam sa preliminaries ng Asean Football Federation Suzuki Cup.

Si Sacapaño naman ang sumapo sa naiwang trabaho ni Etheridge para sa Azkals.

ASEAN FOOTBALL FEDERATION SUZUKI CUP

AZKALS

BAGO CITY

CALIGDONG

CHIEFFY CALIGDONG

EDUARD SACAPA

MANILA HOTEL

MILO ANNUAL AWARDS NIGHT

MR. FOOTBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with