TIP, CEU umarangkada agad sa NCBL

MANILA, Philippines - Agad na nagpakitang gilas ang host Technological Institute of the Philippines at  Centro Escolar University nang kapwa kumana ng impresibong panalo sa pagsisimula ng National Collegiate Basketball League (NCBL) Foundation Cup kamakailan sa TIP Gym.

Pinagana ng Engineers ang kanilang matinding opensa sa final canto upang supilin ang tangkang pagbangon ng Don Bosco Technological College tungo sa 85-66 panalo.

Tumapos si Jonathan Tabolog ng 20 puntos para trangkuhan ang Scorpions sa 80-68 pananaig laban sa  Trinity University of Asia sa isa pang laro.

Bumandera sa TIP si  Francis Sean Paulo sa inilistang 15 puntos, habang nag-ambag si Jeffrey Yanes ng 14 puntos.

“Fortunately for us, everything fell into place in fourth quarter after we played flat in the first three quar­ters,” pahayag ni TIP coach Potit de Vera, patungkol sa matikas na panimula ng koponan sa torneo na itinataguyod din ng ‘Athletes in Action’.

Show comments