MANILA, Philippines - Ipapakita ni Fil-Swiss Marlon Stockinger ang kanyang husay sa pagsasagawa ng isang F1 test sa Abril 2 sa Paul Ricard Circuit sa France.
“I will have a chance to be in an F1 car on April 2; I will do a test at Paul RiÂchard. It’s not an official race but it’s a chance and to be given a chance at that level is very good. It’s a historic moment for the Philippine drivers,†wika kahapon ng 21-anyos na si Stockinger sa presscon ng Globe Tattoo sa Manila Peninsula.
Solo ng Globe Tattoo brand ambassador ang buong race track sa Le Castellet at magmamaneho na may distansyang 350 kilometro.
Si Stockinger ang unang Pinoy na nagwagi ng formula race sa Europe matapos maghari sa 2012 GP3 Series sa Monaco kung saan niya nakuha ang una niyang pole position at nagtala ng fastest lap sa karera.
Napabilang si StoÂckinger sa Lotus F1 Junior Team kasama sina Marco Sorensen ng Denmark, Alex Fontana ng Switzerland, Oscar Tunjo ng Colombia at Esteban Ocon ng France.
Ayon kay Stockinger, may nararamdaman siyang ‘pressure’ sa pagkakahirang niya sa naturang koponan.
Sa Mayo 4 at 5 ay dadalhin sa bansa ng Lotus ang aktuwal na F1 race car para sa mga Filipino motor sports fans. Si Stockinger ang magmamaneho ng naturang sasakyan.