Nietes nangako ng knockout vs Fuentes
MANILA, Philippines - Nangako si Donnie “Ahas†Nietes ng isang knockout win sa pagdedepensa ng kanyang WBO light flyweight title laban kay Mexican challenger Moises Fuentes sa main event ng “Pinoy Pride XVIII: World Champion vs. World Champion†bukas ng gabi sa Pacific grand ballroom ng Waterfront-Cebu City Hotel and Casino.
“Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa loob ng ring,†sabi ni Nietes sa pinakahuling press conference kahapon sa Aegean room ng hotel.
Nauna nang inihayag ni Fuentes na patutulugin niya ang ALA Boxing Gym star sa kanilang 12-round showdown.
Hindi naman bumilib si Nietes sa ring credentials ni Fuentes.
Sa Boxrec.com, nagdadala si Fuentes ng 16-1 win-loss record kasama ang 8 KOs, ngunit sinabi naman ng kanyang Mexican trainer at manager na si Jorge Barrera na nagdadala si Fuentes ng 26-1 (20 KOs).
“I’m not worried about what he said. I come here to work and do my job. Nietes is a great champion. This is the toughest fight of my career, a fight that I have to win,†wika ni Fuentes, ang kasalukuyang WBO minimumweight king na lalaban sa 108-pound class para hamunin ang Filipino champion.
Sinabi pa ni Fuentes na hindi siya natatakot na labanan si Nietes sa Pilpinas.
“I want to show to the world who really the best fighter is. To be the best, you have to fight the best,†sabi ni Fuentes.
- Latest