Laro Ngayon
(Rizal Memorial
Tennis Center)
9 a.m. UST vs La Salle
MANILA, Philippines - Aasintahin ngayon ng La Salle ang kampeoÂnato sa women’s tennis sa pagharap uli sa UST ngayong umaga sa Rizal Memorial Tennis Center.
Umabante sa 1-0 kalamangan ang Lady Archers sa Lady Tigresses nang angkinin ang 3-2 panalo sa pagbubukas ng best-of-three championship series noong Martes.
Si Marinel Rudas ang siyang nagbigay ng panalo sa La Salle nang sibakin si Lenelyn Milo, 6-1, 6-0, sa huling laro.
“Sana hindi magbago ang ipinakita nilang laro,†wika ni La Salle coach Roland Kraut.
Bukod kay Rudas, aasa rin ang Lady Archers sa huÂsay nina Reggie Santiago at Martina Guba na siyang naghatid ng dalawang panalo.
Mangunguna sa kopoÂnan si Macy Gonzales na ginulat ni Santiago sa Game One, 2-6, 2-6.
Kung manalo ang Archers maibubulsa nila ang ikaanim na titulo bukod pa sa pagpapakinang sa mabungang kampanya ng koponan sa 75th season.