Walang lumaban kay Puentevella
MANILA, Philippines - Patuloy na pamumunuan ni dating Bacolod City Congressman Monico Puentevella ang liderato sa Philippine Weightlifting Association (PWA).
Walang kumalaban kay Puentevella sa isinagawang halalan ng samahan kamakailan sa Cebu City para maupo sa puwesto sa ikatlong sunod na termino.
Ang iba pang personalidad na makakasama ni PuenÂtevella ay sina Mark Alino bilang chairman, Emelyn Agustin bilang Vice President, Dioscorro Himotas bilang secretary, Alister Canizares bilang treasurer, Willijado del Castillo bilang auditor at Rogelio Roque bilang PIO.
Isa sa mga isususog ni Puentevella na nanilbihan din bilang chairman ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagpapalakas ng kanilang lifters sa pangunguna ni Hidilyn Diaz.
Si Diaz ang mukha ng Philippine weightlifting bilang isang two-time Olympian nang napasama sa delegasyon noong 2008 Beijing at 2012 London Olympics.
Kasabay din ng pagkapanalong ito ni Puentevella ay ang inaasahang pagdalo pa rin sa pagpupulong ng POC.
Matatandaan na si Puentevella ay tumakbo sa kalabang tiket ni Jose Cojuangco Jr. at natalo sa chairmanship kay Tom Carrasco Jr. ng triathlon.
- Latest