JV nanawagan ng suporta para sa Gilas Pilipinas
MANILA, Philippines - Hinikayat ni San Juan City Rep. JV Ejercito Estrada ang mga Pinoy na suportahan ang Gilas Pilipinas sa darating na 2013 FIBA-Asia Men’s Championships sa Agosto 1-11 sa SM MOA Arena sa Pasay City.
“This is a great opportunity for all of us to be united for a particular goal and that is to motivate our national team to qualify for the world championship,†wika ni Ejercito Estrada.
Pipilitin ng Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes na makuha ang isa sa tatlong tiket na nakataya sa FIBA-Asia tournament, ang qualifier para sa 2014 World Championship sa Spain.
Ito ang ikatlong pagkakataon na pamamahalaan ng bansa ang FIBA-Asia Championship.
Ang huli ay noong 1973 kung saan nagkampeon ang Nationals sa likod nina Robert Jaworski, Ramon Fernandez, Abet Guidaben, Bogs Adornado at Francis Arnaiz.
Idinagdag pa ng mambabatas na nakahanda ang San Juan City na ialok ang The Arena bilang alternate venue ng 2013 FIBA-Asia tournament.
- Latest