MANILA, Philippines - Nanawagan si Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan sa kanyang mga kapwa PBA team owÂners na magkaisa para sa pamamahala ng bansa sa FIBA-Asia Men’s ChamÂpionships.
“Project natin lahat ito, para sa bayan at sa ating pagmamahal sa sport na basketball,†sabi ni Pangilinan matapos ang report na makikipag-ensayo lamang si Alaska big man Sonny Thoss sa Gilas Pilipinas matapos ang 2013 PBA Commissioner’s Cup.
Sinabihan na ng management ng Alaska si PBA Commissioner Chito Salud na payag silang magpahiram ng isang player, subalit ito ay matapos ang PBA Commissioner’s Cup o kung agad silang masisibak.
Sinabi naman ni Thoss na walang epekto ang pag-eensayo niya sa Gilas sa kanyang paglalaro sa Aces.
Gusto ni National team coach Chot Reyes na makuha si Thoss para makumpleto ang kanyang “RP Giants†na binubuo nina Talk N’ Text players Jimmy Alapag, Larry Fonacier, Ranidel De Ocampo, Ryan Reyes, Jason Castro, Jared Dillinger at Kelly Williams kasama pa sina Globalport scorer Gary David at center Japeth Aguilar, Rain or Shine forward Gabe Norwood at Jeff Chan; San Mig Coffee forward Marc Pingris; Ginebra guard LA Tenorio; Petron slotman Jun Mar Fajardo; Filipino-naturalized Marcus Douthit at Ateneo giant Greg Slaughter.
Ilan sa mga makakasabayan ng Gilas Pilipinas sa pakikipag-agawan sa tatlong tiket patungo sa 2014 World Championships sa Spain ang Jordan, Iran at China.
Nanawagan naman si assistant coach Jong Uichico kay Mark Caguiao ng Ginebra na maglaro para sa Gilas.