^

PSN Palaro

PNG mas pinalaki ngayong taon

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi malayong ma­ging pinakamalaki ang 2013 POC-PSC National Games na pansamanta­lang itinakda sa huling linggo ng Mayo.

Sa mga paunang pagpupulong, lumalabas na nasa 49 na ang sports disciplines na maaaring gawin sa kompetisyon na lalaruin sa iba’t ibang palaruan sa Metro Manila.

Isinantabi na ng PSC ang planong gawin sa pro­binsya ang labanan upang makatipid ng gastusin sa pagbiyahe ng tauhan at mga kagamitan.

 Wala rin halos tumanggap na maging punong-abala ng palaro dahil sa abala sa eleksyon.

Sa pagpupulong, lumabas na interesado ang maraming NSAs para masukat ang kanilang atleta lalo pa’t ang labanan ay bukas sa mga kasapi ng national team, collegiate athletes at iba pang nani­niwalang kaya nilang kuminang sa palaro.

Kabilang sa mga nagpahayag ng pagnanais na sumali ay ang golf, futsal, ice skating, diving, windsurfing, motocross, bowling at indoor hockey.

“We started discussing kung saan nila puwedeng gawin ang mga sports nila. Marami ang nagsabing gusto nila kaya pinag-aara­lang mabuti kung paano ito gagawin,” wika ni Atty. Jay Alano na PSC Sports Program Secretariat chairman.

Ang basketball ay gaga­win din  bukod pa sa 3-on-3 sa kalalakihan at kababaihan.

Lahat ng mga national athletes at national pool ay pinapaglaro sa PNG at ito ang nagsisilbing tryouts para manatili sila sa Pambansang koponan.

ISINANTABI

JAY ALANO

KABILANG

LAHAT

MARAMI

METRO MANILA

NATIONAL GAMES

SPORTS PROGRAM SECRETARIAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with