MANILA, Philippines - Tanging si Juan Manuel Marquez lamang ang makakapagdesisyon kung patuloy pa rin siyang lalaban o magreretiro sa boxing.
Sa panayam ng BoxingScene.com, sinabi ni Mexican legendary trainer Ignacio ‘Nacho’ Beristain na patuloy niyang susuportahan ang 39-anyos na Mexican world four-division champion anuman ang maging desisyon nito.
“If he continues in boÂxing or decides to retire, I have to keep supporting him because he has been with me for 14 years,†wika ni Beristain. “I will accept whatever he wants to do with great pleasure.â€
Nauna nang sinabi ni Marquez na ayaw na niyang labanan si Manny Pacquiao sa pang-limang pagkakataon matapos niyang patumbahin ang Filipino world eight-division champion sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagkikita noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sa kabila ng pahayag ni Marquez, sinabi ni Beristain na marami pa ring boxing fans ang nag-aabang sa Marquez-Pacquiao Part 5 sa Setyembre.
“There is still a lot of interest in a fight between Juan Manuel and Pacquiao. I’m the one who does not want it for Marquez. It would be a dangerous fight,†ani Beristain.
Kamakalawa ay hinimok ni World Boxing Council president Jose Sulaiman si Marquez na magretiro na ngayong taon.