MANILA, Philippines - Dinagit ng Ateneo ang ikaÂlawang twice-to-beat advantage sa UAAP volleyball Final Four matapos ang 28-26, 25-15, 25-22, panalo sa UST sa pagtaÂtapos ng double round elimination kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Napalaban ang Lady Eagles sa Lady Tigresses pero mas determinado ang una nang humabol mula sa 9-16 iskor sa ikatlong set upang tapusin ang kampanya bitbit ang 10-4 karta.
Nalaglag ang UST sa 8-6 record at makikipagtuos pa sa host National University sa playoff sa Miyerkules sa The Arena sa San Juan City.
“Wala kaming expectations. Ginawa lang namin ang dapat gawin sa court at pursigidong makuha ang incentive dahil mas tataas ang confidence level namin sa Final Four,†wika ni Alyssa Valdez na may 18 attacks at 3 service aces tungo sa 23 puntos.
May 9 kills at 8 digs si Fille Cainglet para sa Ateneo na tinalo ng UST sa blocks, 9-6, pero bumawi sa attack points (42-35) at serve (7-2).
Sa unang laro, nanalo rin ang Adamson sa straight sets sa UP, 25-20, 25-9, 25-17, tungo sa 9-5 karta at okupahan ang ikatlong puwesto.
Samantala, pumasok ang bagitong National University sa softball finals sa inangking 5-3 panalo sa UST sa knockout game kahapon sa Rizal Memorial Ballpark.
Isang triple ang kinamada ni Clarifer Singh bago sinundan ang homerun ni Arianne Valestero sa seÂventh inning para hawakan ang dalawang runs na kalamangan bagay na hindi na nabura ng Lady Tigresses.
Ang Lady Bulldogs na may twice-to-beat sa step-ladder semifinals, ang makakaharap ng may dalawang talong Adamson sa titulo at ang unang tagisan ay itinakda sa Martes.