Chiefs palalakasin ng 2 Fil-Canadians
MANILA, Philippines - Ang napipintong paglaÂlaro ng 6’1 Fil-Canadian na si Al Serjue sa Arellano University ang magpapatatag sa laban ng koponan sa papasok na NCAA men’s basketball season.
Si Serjue ay dapat nag lÂaro na sa Chiefs sa nagdaang season pero minalas na nagkaroon ng ACL injury habang naglalalaro sa off-season ilang linggo bago nagbukas ang 88th NCAA season.
Nauna nang nakita ang husay nitong umiskor upang magkaroon ng dalawang pangil si coach Koy Banal sa pag-atake sa depensa ng kalaban.
Ang isa ay si James Forrester na nakitaan ng gilas sa nakaraang season.
“Maglalaro siya this seaÂson,†wika ni Banal kay Serjue na noong high school player ay ilang beses na umiskor ng mahigit na 40 puntos sa nilalaruang liga.
Bukod sa dalawang Fil-Canadian, aasa rin ang koponan sa paghusay ng guard na si John Pinto habang ang 6’2†na si Larry Malanday na dating nagÂlaro sa National University sa UAAP sa loob ng dalawang taon, ay masasabak na rin sa aksyon.
Tulad ni Serjue, si MaÂlanday ay hindi rin nasama sa nagdaang season dahil sa tinamo ring ACL injury.
Sa pagkakaroon ng mas malakas na line-up, ang mga panatiko ng Chiefs ay umaasang mas maÂgiging palaban ang koponan at posibleng tumapak din sa Final Four.
Ngunit ayaw magbigay muna ng prediksyon si Banal at hiniling na bigyan muna ng panahon ang koponan na mahinog.
“Ang goal ay makapaÂsok sa semis at manalo rin ng titulo. Pero para mangÂyari ito, dapat na matuÂtuÂÂnan ng mga players ang ipinaiiral na sistema na maÂngangailangan ng panahon,†ani Banal na champion coach sa NCAA, UAAP at mga commercial leagues.
- Latest