MANILA, Philippines - Kailangan mabuo ang magandang team work upang maging palaban agad ang Mapua Cardinals sa 89th season ng NCAA.
Sa pormal na pagpapakilala sa bagong headcoach ng Cardinals na si Fortunato “Atoy†Co Jr. kahapon, sinabi niyang team effort ang una sa kanyang pagtutuunan upang pawiin ang kakulangan ng malalaking tao.
“Compared sa ibang teams, kami ang pinakamaliit. Kailangan naming makakuha ng mga plaÂyers na 6’8, 6’9 o 6’10 para lumaban sa iba. Pero kung walang makuha, we will need to rely on team effort especially in the rebounÂding,†wika ni Co.
Isang running team ang balak niyang buuin sa Cardinals at para tumakÂbo ang plano, dapat nilang makuha ang mga rebounds.
Kinuha ni Co para sa kanÂyang maging assistants ay sina Ed Cordero, Arturo Cristobal at Randy Alcantara.
Si Alcantara ang headcoach ng juniors team ng Mapua habang si Cordero ay dating assistant sa San Beda noong naka-3-peat ang koponan.
Si Cristobal ay dating champion coach ng San Sebastian at naupo rin bilang deputy commissioner ng liga sa 88th season ang kanilang strength at conditioning coach.
Magiging technical man din ng Cardinals si Cristobal at tutulong para agad na maitama ang mga maling gawain ng mga manlalaro base sa NCAA rules.
Unang gagawin ni Co ay ang ilagay sa pinakamagandang kondisyon ang mga manlalaro bago isunod ang skills training.
Balak din nilang sumali sa mga pre-season games upang mahasa ang koponan sa ipaiiral na bagong sistema.
Nananalig ang coach na nakasama sa dalawang Grandslam team ng Crispa sa PBA, na sa pagtatapos ng kanyang tatlong taong kontrata ay makakatikim din ng kampeonato ang Cardinals.
Masidhi ang panatiko ng Mapua na makitang maÂnalo na ng titulo ang koÂponan dahil 20 taon na noong huling itinaas ang bandera ng Cardinals bilang pinakamahusay na koponan sa liga.