Maraming atleta sa Pilipinas, pero hindi lahat ng mga ito ay maaaring mabigyan ng pagkakataon na maÂkaÂsama sa internasyunal na laro tulad ng sa 27th Southeast Asian Games.
Siniguro na ng Myanmar na idagdag nila sa listahan ng mga laro ang kanilang mga indigenous at traditional games, na ang ibig sabihin lamang ay kabawasan ng may 16 gintong medalya sa SEA Games. At tanging 30 hanggang 40 medalya na lamang ang paglalabanan.
Kung magkakaganito, kinakailangan nating magÂhanda. Tama lamang na ang tanging pinakamahusay na mga atleta lamang ang ipadala sa SEA Games. Kaunti pero mahuhusay lamang.
Kaya dapat na sa qualifying standard pa lamang para sa SEA Games meet ay nakakasiguro na ang maÂkukuha ng atleta ay at least silver, para kaunting adjustments na lamang.
May task force nang binuo upang mamahala sa pagpili, pagsasanay at preparasyon para sa national athletes. Hindi pa nakukumpleto ang komposisyon ng task force pero ang tiyak na mamumuno nito ay si Romeo Magat ng lawn tennis.
Kinakailangan na nasa pinakamahusay ang mga atleta sa pagdating ng SEA Games. Kaya’t kinakailaÂngan na bantayan ang pagsasanay ng mga ito. Bukod dito, marami tayong mga atletang matanda, so nandiyan ang strength and conditioning. Hindi naman natin maaari silang balewalain dahil sapat pa ang kanilang lakas, husay at karanasan sa kanilang laro.
Siyempre pa, nararapat na ipakita natin sa MyanÂmar na kahit makuha pa nila ang lahat ng mga tradisyunal na laro, hindi basta patatalo ang Pilipinas sa SEA Games.
Sa tuwing inaalat tayo sa ating mga pagsali sa interÂnasyunal na laro, palagian na lamang tayong may excuse, pero hindi dapat na maging excuse ang masamang performance kung tayo ay maghahahanda ng maaga sa SEA Games.