NU buhay pa, FEU talsik nasa UAAP volley

MANILA, Philippines - May 13 kills at anim na service aces si Dindin Santiago habang solido rin ang depensa ng National University para manalo sa Adamson, 30-28, 20-25, 25-22, 25-19, sa UAAP women’s volleyball kagabi sa The Arena sa San Juan  Arena.

Naghatid pa ng 13 kills si Maricar Nepomuceno habang sina Siemen Da­dang at Myla Pablo ay nag­tambal sa lima sa ka­buuang 11 blocks na siyang nakatulong para maisantabi  ang lakas sa net game ng Lady Falcons.

Lamang sa atake ang Adamson, 52-47, at sa service ace, 11-10,  pero bumawi ang Lady Bulldogs sa blocks, 11-3, at nahiritan ng 32 errors ang Lady Falcons upang manatiling palaban sa  puwesto sa Final Four sa 7-6 baraha.

“Hard training ang ginawa namin. Sa larong ito, naniniwala kami sa aming sarili at sa mga teammates namin kaya’t tiwala na mananalo sa laban,” wika ni Santiago.

May pitong aces tungo sa 20 puntos si Shiela Marie Pineda para sa Adamson na nadagukan ang asam na  twice-to-beat advantage nang naiwanan ngayon ng nasa ikalawang Ateneo (9-4) ng isang laro sa 8-5 karta.

Samantala, tinapos na ng UST ang laban ng FEU, 13-25, 25-23, 26-24, 25-21, sa isang laro.

Show comments