LINGAYEN, Philippines --Isang anak ng titser mula sa Agusan del Sur ang kumuha ng unang gintong medalya sa PRISAA National ColleÂgiate Games.
Bumandera si Sonny Wagdoz sa men’s 5000-meter run, samantalang apat na ginto naman ang inangkin ng mga Calabarzon swimmers.
Nagtala ang 18-anyos na si Wagdoz ng oras na15 minuto at 46.9 segundo para sa panalo ng Davao Region sa Narciso Ramos Sports and Civic Center.
“Takbo takbo lang po, at diskarte… Mahaba rin yon takbuhin, diniskartihan na lang po,†sabi ni Wagdoz, isang second year criminoÂlogy student sa University of Mindanao, matapos talunin ang kanyang kakamping si Antnony Nerza (15:48.9).
Sinikwat naman ng host Region 1 (Ilocos Region) ang ginto sa pamamagitan ni Debby Habon, isang education student sa Virgen Milagrosa University, sa women’s long jump mula sa kanyang lundag na 5.23 meter.
Sa swimming, apat na ginto ang nilangoy nina Calabarzon tankers Rizaljun Jurado, Jerome MagalÂlanes, Jaydee Rose Dalay at John Henry Calma sa Dagupan City Poolsite.
Naglista si Jurado ng bilis na 2:10.74 para paÂmunuan ang men’s 200-meter freestyle, habang namayani si MagalÂlanes sa men’s 100-meter breastroke sa kanyang 1:12.59 at nagreyna si Dalay sa women’s 100-m breastroke sa 1:26.94.
Nanguna naman si CalÂma sa men’s 200-m butterfly.