PSC inalis na ang suporta sa PABA
MANILA, Philippines - Wala ng makukuhang suporta ang Philippine AmaÂteur Baseball Association (PABA) mula sa Philippine Sports Commission (PSC).
Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, ito ang naging desisyon ng board dahil patuloy umano na may problema sa liderato ang PABA na pinamumunuan ni Hector Navasero.
Bukod dito, natuklasan din na lumabag ang mga national baseball players nang nabatid na may taga-labas ang nakatira sa kanilang quarters sa Rizal Memorial Sports Complex.
Si Kunifumi Itakura na tumutulong sa PABA sa paÂngangalap ng kagamitan na ibinibigay sa probinsya, ay natuklasan na natutulog sa quarters ng baseball team.
Samantala, nasa balag ng alanganin ang planong pagsasanay ng national wrestlers sa Iran dahil wala pa umanong usapan ang Pilipinas at ang pupuntaÂhang bansa tungkol dito.
Nabatid din ng PSC na gugugol ng malaking halaga ang ahensya sa pagpapadala ng atleta tulad ng gagawin sana sa athletics team na dapat ay magsasanay sa Australia.
Sa halip, balak ng PSC na huwag ng ituloy ang foÂreign training at sa halip ay kumuha na lamang ng mga dayuhang coaches upang mas maraming atleta ang makinabang.
- Latest