BOSTON -- Humakot si Paul Pierce ng triple-double mula sa kanyang 27 points, 14 rebounds at 14 assists para banderahan ang Boston Celtics sa isang 118-114 triple overtime victory kontra sa Denver Nuggets noong Linggo.
Dumiretso ang Boston sa kanilang pang-siyam na sunod na ratsada kasabay ng pagpigil sa nine-game winning streak ng Denver.
Isinalpak ni Pierce ang isang 3-pointer na nagtabla sa laro, 107-107, sa ikalawang overtime patungo sa ikatlong extension period.
Kumolekta si Kevin GarÂnett ng 20 points at 18 rebounds, habang guÂmaÂwa si Jason Terry ng season-high 26 points mula sa bench.
Hindi pa natatalo ang Celtics sapul nang mawala si point guard Rajon Rondo dahil sa kanyang season-ending knee injury.
Tumipa si Terry ng isang 3-pointer sa 1:33 sa ikatlong overtime upang itaas ang Celtics sa 116-113.
Inilapit ni Danilo Gallinari, tumapos na may 18 points at 10 rebounds, ang Nuggets sa 114-116 mula sa kanyang free throw, ngunit hindi na sila nakalapit.
Isang magandang depensa din ang ginawa ni Terry, limang sunod na 3-point shots ang naimintis sa unang dalawang overtime, nang agawin niya ang bola kay Andre Miller sa natitirang 35 segundo.