Shanghai Sharks tuloy na ang pagpunta sa Pinas
MANILA, Philippines - Matapos makansela noong nakaraang taon bunga ng isyu sa agawan ng Pilipinas at ng China sa Scarborough Shoal, tuloy na ang pagbisita sa bansa ng Shanghai Sharks ni dating NBA superstar Yao Ming sa Mayo.
“Definite na itong pagdating sa bansa ng Shanghai Sharks. They will have a tune-up with our national team on May 6, 7 and 8,†sabi kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia.
Makikipagsabayan ang Sharks sa Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes, pinaghahandaan ang 2013 FIBA-Asia Men’s ChamÂpionships na nakatakda sa Agosto 1-11 sa SM MOA Arena sa Pasay City.
Hindi pa alam kung isasama ng Sharks, ang Chinese Basketball League champion, sa kanilang pagÂbisita sa bansa si daÂting NBA star guard Gilbert Arenas.
Sa plano, makikipagÂlaro ang Sharks sa PBA All-Star Selection Team sa Mayo 6 bago labanan ang Gilas Pilipinas sa Mayo 8.
Kasama sa 17-man training pool ng Gilas Pilipinas sina 6-foot-11 naturaÂlized player Marcus Douthit, LA Tenorio ng Ginebra, Gary David ng Globalport, Jeff Chan at Gabe Norwood ng Rain or Shine, Sonny Thoss ng Alaska, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier at Jared Dilinger ng Talk ‘N Text na mga kumopo sa 2012 Jones Cup sa Taipei.
Nasa koponan din sina 6’8 Japeth Aguilar ng Globalport, Marc Pingris ng San Mig Coffee, Petron Blaze 6’10 rookie June Mar Fajardo, Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ryan Reyes, Kelly Williams ng Talk ‘N Text at Greg Slaughter na mula sa Gilas cadet pool.
Ang Top Three teams sa FIBA-Asia Men’s Championships ang makakapagÂlaro sa 2014 World Championships sa Spain.
- Latest