MANILA, Philippines - Bagong papel ang gagampanan ni pistol champion NaÂthaniel ‘Tac’ Padilla nang hirangin siya bilang Chef de Mission ng Pilipinas sa 2nd Asian Youth Games sa Nanjing, China sa Agosto 16-24.
Napili ang 48-anyos na si Padilla dahil sa kanyang huÂsay na makisalamuha sa mga kabataan nang magtaÂgumpay ang kanyang National Youth Development ProgÂram na ipinairal sa Philippine National Shooting AsÂsociation (PNSA).
Ito ang unang pagkakataon na hahawak ng nasabing puÂwesto si Padilla.
Hindi naman mangangahulugan ito na iiwan na niya ang paglalaro bagkus ay babalik din agad sa pagiging shooter kapag natapos na ang kanyang trabaho.
Pasok na sa Myanmar SEA Games sa Disyembre si PaÂdilla pero nalalagay sa balag ng alanganin ang target na ika-18 taon ng paglalaro sa SEA Games dahil inalis ng host ang rapid fire pistol event sa shooting.
Ang manalo sa AYG dahil ito ay isang qualifying event paÂra sa 2014 Youth Olympics Games.