Mavericks umiskor sa Warriors

DALLAS -- Umiskor si Shawn Marion ng season-high 26 points, habang nag-ambag ng 19 si O.J. Mayo para pagbidahan ang Dallas Mavericks sa 116-91 panalo laban sa Golden State Warriors noong Sabado ng gabi.

Nauna nang natalo ang Dallas sa Golden State ng da­lawang beses.

Giniba ng Warriors ang Mavericks sa overtime, 105-101, noong Nobyembre 19 at umiskor ng 100-97 panalo nooong Enero 31.

Bumandera si Darren Col­lison, naglista ng 18 points at 8 assists, sa isang 21-6 atake ng Dallas sa first quarter at ibinaon ang Gol­­den State mula sa isang 27-point lead sa second quarter.

“We were right in the game against Golden State when we played them at their place a week ago,” wi­ka ni Collison. “I think every­body was upset about that game. We knew had to go at them in the first five mi­nutes.”

Pumukol si Marion ng 11-of-16 fieldgoal shooting at humablot ng 11 rebounds.

Nag-ambag naman si Dirk Nowitzki ng 15 points pa­ra sa Mavericks.

Tumipa si Stephen Cur­ry ng 18 points para sa War­­riors kasunod ang 13 ni Carl Landry.

Hindi nanalo ang Gol­den State sa kanilang four-game road trip.

Show comments